What's on TV

Smokey Manaloto, nilinaw ang isyu noon tungkol sa kanila ni Anjenette Abayari

By Kristian Eric Javier
Published March 6, 2026 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Straight from the Expert: Beauty Queen Boot Camp' (Part 2)
A free trip to Finland? The 'Chill Like a Finn' challenge gets you a chance to win an all-expense-paid vacation
The NCAA Cheerleading Competition is happening on March 12

Article Inside Page


Showbiz News

smokey manaloto and manilyn reynes


Alamin ang natutuhan nina Manilyn Reynes at Smokey Manaloto tungkol sa buhay sa kanilang early 50s:

Nagsimula sina Manilyn Reyes at Smokey Manaloto sa show business bilang teens sa variety show ng Master Showman na si German Moreno na That's Entertainment. Pero ngayong nasa early 50's na sila, aminado ang dalawa na marami na ang nagbago sa kanilang mga pananaw.

“Kailangan lagi kang may liniment sa bag mo," pabirong sabi ni Manilyn sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 5.

Paliwanag niya, "Parang don't sweat the small stuff. Control the things na kaya mo i-control, at kung hindi, hayaan mo na."

Para kay Smokey, na-realize daw niya: “Life is short. Enjoy every minute that you have with the people that you love.”

Sinang-ayunan naman ito ni Manilyn at sinabing may mga bagay talaga na mas kailangan pagtuunan ng pansin.

Nang tanungin sila ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang nagagawa nila noon na na hindi na nagagawa ngayon, inamin ni Smokey na hindi na niya kayang magpuyat ngayon.

Pagsang-ayon ni Manilyn, “Pagdating ng 10:30, [nakapikit] na kami. Pero totoo 'yan, inanatok ka na earlier kesa 'yung noon. Pero physcally, kunyari 'yung boxing, kaya pa naman.”

KILALANIN ANG ILAN SA MGA PINAY CELEBRITY BEAUTIES IN THEIR 50S SA GALLERY NA ITO:

Samantala, binalikan din ni Boy ang pagkaka-link ni Smokey sa mga aktres na sina Anjanette Abayari at Mickey Ferriols. Ngunit sabi ng aktor, ayaw na sana niyang pag-usapan pa ito “kasi baka umasa ho sila.”

Nilinaw din ni Smokey ang bali-balita noon ng panliligaw niya sa aktres, “For the record, si Anjenette opo ay naging close ko po dahil magkasama kami sa SST [Salo-Salo Together]. Close lang po kami, friends lang po kami.”

Ngunit tanong ulit ni Boy, “Walang ibang pagtingin?”

Sagot naman ni Smokey, “Ewan ko, ako, friends pero siya baka umasa siya.”

Panoorin ang panayam kina Smokey at Manilyn sa video sa itaas.