
Huwag palampasin ang kilig interview ni Igan sa phenomenal love team na AlDub mamaya sa 'Tonight With Arnold Clavio.'
By AEDRIANNE ACAR
Tumutok mga Kapuso mamayang gabi sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) sa ganap na 10:15 PM, dahil makakasama ng Kapuso anchor ang kalye-serye power couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isang kilig-to-the-max interview.
Sa report ng Saksi kagabi (February 16), nagpatikim ito ng ilang mga eksena ng AlDub sa TWAC.
Alamin ang mga sagot nila sa tanong na ‘Sino ang mas matindi magmahal?’, ‘Sino ang mas matakaw?’, ‘Sino ang mas-sweet?’ at kung ‘Sino ang mas iyakin?’
Dapat ninyo din abangan ang pag-amin nila Alden at Maine, kung sino sa kanila ang mas madaling mag-selos.
Lahat na ito mapapanood ninyo ngayong gabi na sa GMA News TV pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho.
#AlDubOnTWACAlDub meets Arnold sa #AlDubOnTWAC! Ngayong Miyerkules na 'yan, 10:15 PM pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho! Itaas ang kamay ng mga excited! Kitakits! <3
Posted by Tonight With Arnold Clavio on Tuesday, February 16, 2016
MORE ON ALDUB:
READ: Check out Pambansang Bae's prayer for AlDub's 7th monthsary
SPOTTED: Alden Richards and Maine Mendoza in a mall