Minsan pinahulaan ni Kapuso actress Heart Evangelista ang kanyang mga Instagram followers kung saan hahantong ang isang carpeted na hagdanan sa kanyang bagong tayong tahanan.
Tama naman ang karamihan ng mga humula na patungo ito sa kanyang walk-in closet!
Bahagyang ipinasilip ni Heart ang isang bahagi nito, partikular ang area kung saan niya inilalagay ang kanyang napakaraming mga sapatos.
???????Tulad ng iba pang bahagi ng bahay, kapansin pansin dito ang mga gold accents, puting wainscoting at Chinoiserie-inspired na wallpaper.
May dalawa pang mga upuan na maaaring upuan habang siya ay namimili at nagsusuot ng kanyang mga sapatos.
May mga netizens din na nag-request kay Heart na ipasilip na rin ang bahagi ng closet kung saan niya itinatago ang kanyang koleksiyon ng mga designer handbags.
Bagong lipat lang si Heart sa kanyang bahay na ipinatayo niya sa loob ng tatlong taon.
MORE ON HEART EVANGELISTA:
IN PHOTOS: Yayamanin na bahay ni Heart Evangelista
LOOK: Heart Evangelista's huge walk-in dinnerware storage
Photos by: @stylebylovemarie_e(IG)