
Silipin rin ang invitation ng Kapuso debutante.
Ibinahagi kagabi, December 26, ni Kapuso teen actress Ashley Ortega ang invitation para sa kanyang upcoming debut.
Makikitang star-studded ang magaganap na debut ni Ashley. Kabilang sa mga inimbita niya ang mga taong nakatrabaho niya sa industrya tulad ng mga co-stars, directors at iba pang mga tao mula sa kanyang home network na GMA.
Kabilang sa kanyang 18 roses sina Ken Chan at Gabby Eigenmann, habang sina Max Collins, Bianca Umali, at Jazz Ocampo ay kasama sa kanyang 18 candles.
Ilang GMA execs naman ang kasama sa 18 treasures tulad nina Vic del Rosario, Gigi Lara, Lilybeth Rasonable, Ali Dedicatoria, Joey Abacan, at Simoun Ferrer. Kabilang din dito ang mga direktor na sina Maryo J. delos Reyes at Neal del Rosario.
Sina Paul Salas, Renz Valerio, Prince Villanueva, Jeric Gonzales, Phytos Ramirez, Jake Vargas, Inah de Belen, Annalyn Barro at Arianne Bautista naman ang napili niya para sa kanyang 18 shots.
Gaganapin ang debut ni Ashley ngayong gabi, December 27, sa Quezon City.
MORE ON CELBRITY DEBUTANTES:
IN PHOTOS: Stars flocked to debut party of the year, Gabbi Garcia's 18th
IN PHOTOS: The star-studded debut party of Michael V's daughter, Brianna Bunagan