Muling nagkatrabaho sa Afternoon Prime series na My Father's Wife ang dating love team na sina Snooky Serna at Gabby Concepcion. At sa pagbisita ng batikang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 3, binalikan nila ang naturang loveteam.
Pag-amin ni Snooky, maituturi niyang pinakagwapong artista si Gabby sa henerasyon nila. Ngayon na mas matanda na sila, mas napatunayan niya ito dahil nananatili pa rin ang good looks ng dati niyang ka-love team.
“Talagang 'yung beauty ni Gabby is classic and never fading 'yung beauty niya. It's forever and I'm gushing, Tito Boy,” sabi ni Snooky.
Pag-amin pa ng batikang aktres, tuwing nagkaka-eksena sila ni Gabby ay may mga panahon na lumilipad ang utak niya dahil sa pagkabighani sa aktor. Ani Snooky, sa lahat ng mga ka-loveteam niya, kay Gabby siya nakaramdam ng ibang chemistry.
“Even Gabby acknowledges that, pinag-uusapan namin. Even our director, si Direk Aya (Topacio), she told me that at one point na 'Iba talaga 'yung ano n'yo ni Gabs, para kayong totoong mag-asawa,'” pagbabahagi ng aktres.
Paglilinaw ni Snooky, hindi kailanman nanligaw si Gabby sa kaniya.
Ngunit nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung na-in love ba siya sa dating ka-love team, ang sagot ni Snooky, “Ako? Tito Boy, naku naman, na-infatuate talaga ako, Tito Boy. Sincere 'yan ha? Nakakahiyang sinasabi 'to pero totoo. Because Tito Boy, 'pag bata ka, you have crushes. Ang super crush ko talaga, si Gabs.”
Inamin din ni Snooky na noon, hindi niya sinubukan aminin kay Gabby ang totoong nararamdaman dahil “'yung mga panahon na 'yun, parang conservative tayo.”
“Pero ngayon na para bang nagkakaedad na, para bang 'Na'ko, it's now or never.' Joke!” pagpapatuloy ni Snooky.
Sa ngayon ay masaya lang si Snooky na muling makatrabaho ang kaniyang dating ka-love team, at maging ang dalawang leading ladies na sina Kylie Padilla at Kazel Kinouchi.
“Walang attitude 'yung mga bata. Good girls, good actresses, and I'm not saying this because I'm doing a project with them, I really admire them very much because they're professional and they're generous,” sabi ni Snooky.
Panoorin ang panayam kay Snooky dito: