
Mapapa-throwback ang fans nina Snooky Serna at Gabby Concepcion ngayong magkasama sila sa pinakabagong GMA Drama series na My Father's Wife.
Dati kasing magka-love team sina Snooky at Gabby sa pelikula, tulad ng Hello, Young Lovers na dinirehe ni Lino Brocka.
Sa panayam sa seasoned actress sa Family Feud, ginawa niya ang Hello, Young Lovers noong 16-years-old siya. Ilan pa sa mga pinagsamahan nila ang Underage at Miracle Of Love.
Napahirit pa nga si Snooky nang mapag-usapan nila ni Dingdong Dantes si Gabby sa Family Feud. “Naku Dong [Dingdong Dantes], kilig na kilig na naman si Snooky. Sorry ha!”
Source: Family Feud
Gumaganap si Snooky bilang Minda sa My Father's Wife, ang loyal na asawa ni Robert (Gabby).
Mapapanood ang My Father's Wife tuwing Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime.