GMA Logo Snooky Serna
What's on TV

Snooky Serna, muntik na makipagtanan noon kay Albert Martinez?

Published May 10, 2023 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Snooky Serna


Inamin ni Snooky Serna na muntik na silang magtanan noon ni Albert Martinez pero hindi ito natuloy dahil sa isang pangyayari.

Hindi napigilan ng batikang aktres na si Snooky Serna na aminin ang nakaraan nila ng dating nobyo at seasoned actor na si Albert Martinez.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, proud na sinabi ni Snooky sa TV host na si Boy Abunda na si Albert ang kaniyang first love at masaya ang kanilang naging relasyon kahit pa siya ay 14 na taong gulang pa lamang noon.

Kuwento niya, “Albert Martinez is the first love of my life. Sinagot ko siya at the age of fourteen. You know love comes to us in all ages walang pinipiling edad 'yan. I think my parents have been so trusting na kilala naman nila kung sino naman ako [kaya] when I fell in love they welcomed Albert with open arms.”

Ayon pa kay Snooky binalak din nilang magtanan noon ni Albert sa unang taon pa lamang ng kanilang relasyon, pero hindi ito natuloy.

Aniya, “Nakakatawa kasi nung first year namin, gusto namin na magtanan na. I was fifteen then, we went to Antipolo para magtanan na kaya lang sinumpong si Albert ng asthma niya so bumalik kami.”

“So kung walang asthma?” sundot na tanong ni Boy.

“Baka kami ang nagkatuluyan, mag-asawa na kami,” birong sagot naman ni Snooky.

Samantala, marami naman ang humanga sa naging pagganap ni Snooky sa katatapos lamang na GMA Afternoon Prime series na Underage. Mapapanood naman ngayon si Albert sa live-action series na Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG NOTABLE ROLES NI SNOOKY SERNA SA MARAMING KAPUSO SERIES SA GALLERY NA ITO: