
Inamin ng batikang aktres na si Snooky Serna na naranasan niya ring mapagsabay noon ng kanyang kasintahan sa ibang babae.
Sa “Trip to The Hotseat” segment ng Sarap, 'Di Ba? nitong Sabado, May 26, sumalang sa isang hotseat interview ang aktres na si Snooky kasama si Lotlot De Leon.
Isa sa naging tanong ng host ng programa na si Carmina Villarroel kay Snooky, ay tungkol sa kaniyang naging past relationship.
“Nakaranas ka na ba na pagsabayin kayo ng isang girl sa isang relationship?” tanong ni Carmina kay Snooky.
“It happened to me, yes,” mabilis naman na sagot ng seasoned actress.
“Paano mo na-confirm o paano mo nalaman?” muling tanong ni Carmina.
Dito na ikinuwento ni Snooky na hindi lang ito nangyari ng isang beses, kung di makailang ulit din niya itong naranasan hindi lang sa isang tao.
Aniya, “Actually kasi sa aking mga relationship in the past hindi lang ito nangyari minsan, meron pa sa ibang relationship ko hindi lang sa isang tao na na-two time ako and iba't ibang circumstance, iba't ibang situation e, sa isa nai-kuwento sa akin ng bestfriend ko, sa isa naman nakita ko talaga sa airport, nahuli ko talaga with my own eyes.”
Ayon kay Snooky, hindi niya naiwasang maging passive noon sa kaniyang mga naging relasyon, “Ito ang masakit kasi ang attitude ko nung araw, nung nangyari 'yung mga 'yun masyado akong ano e, wallflower type, masyado akong passive, naive, and stupid at that time.”
Aminado rin ang batikang aktres na naging “tanga” din siya sa pag-ibig, “I'd like to believe na matalino naman ako pero may times talaga in our lives na nagiging tanga tayo, like ako, I'm a fool for love.”
Pero paglilinaw niya, natuto na raw siya sa kaniyang past experiences, “Pero ngayon ibang usapan na. I negotiate.”
Sinangayunan naman ito ni Lotlot. Aniya, “Because you know what you want already, and what you deserve.”
Balikan ang kanilang hotseat interview sa video na ito:
SILIPIN ANG NOTABLE ROLES NI SNOOKY SERNA SA GALLERY NA ITO: