GMA Logo snooky serna
photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Snooky Serna sa mga may ka-relasyon na red flag: 'Use your brain. Iwanan mo na'

By Kristine Kang
Published August 24, 2026 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Occasional rains expected over Luzon, western Visayas due to habagat — PAGASA
Subangdaku Flyover sa Mandaue City, Gisirad-an | Balitang Bisdak
GMA Pictures gives first look at upcoming film 'Red Crown'

Article Inside Page


Showbiz News

snooky serna


Alamin ang say ng celebrities tungkol sa toxic o complicated relationship dito:

Hindi nagpatalo ang celebrity pairs at celebri-peeps sa pagbabahagi ng kanilang unfiltered at love-related opinions.

Sa August 22 episode GMA Comedy game show na The People Have Spoken, napuno ng hugot vibes ang studio nang itanong: "Kung sa start palang ng relasyon n'yo ay nagpakita na siya ng 'di magandang asal, ano ang gagawin mo? Makikipaghiwalay agad o tutulungan ko s'yang magbago?"

Para sa Team WINAHTI (Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo), diretsong “iwanan na 'yan” ang kanilang sagot.

"Kasi siyempre, una pa lang, kung ganoon na siya, what more in the long run? Bakit mo pa itutuloy? Pigilan mo na sa una para hindi ka na mahirapan at masaktan," paliwanang ni Winwyn

"Paano kung mahal mo?" tanong ni Heart Evangelista.

Sagot ng beauty queen, "Minsan kulang ang pagmamahal. Kailangan ng respeto sa relasyon."

READ: Heart Evangelista, may hugot tungkol sa mga kaibigan: 'I opened up to the wrong people'

Sang-ayon din ang Team DINOOKY (Dina Bonnevie at Snooky Serna) na naniniwalang dapat iwasan ang mga red flag sa isang relasyon.

"There's a big difference between being a good person and tanga. Sa umpisa pa lang, may nakikita ka nang red flag use your brain. Iwanan mo na. Pray about it," sagot ni Snooky.

"In the long run, kung mapapakamartyr ka, ikaw ang talo. Wala namang ibang tutulong sa sarili mo kundi ikaw at ang Diyos at the end of it all."

Lubos namang sumang-ayon din si Heart sa sagot ng dalawang teams, naiisip kung ano ang maaaring mangyari kapag nagtagal ang relasyon.

"Especially, ito pa lang ang honeymoon stage dapat. The first, second, sige na third year, is supposed to be the best time of your life. So kung may nakikita ka na, ano pa kaya 10 years from now? Baka hindi ka na talaga sunduin sa airport," aniya.

Hirit din ni celebri-peep Janeena Chan na dapat ang isang relasyon ay puno ng pagmamahal.

"Hindi naman tayo nandito sa relationship na [parang] therapist-client. Ang minamanifest natin ay magandang relationship. We deserve love, and we deserve to be happy! And we can be happy now na! Bakit kailangan turuan ko pa siya?" paliwanag niya.

Ngunit para sa celebri-peep guest na si Poca, okay sa kanya na tulungan muna niyang magbago ang kanyang karelasyon.

"Ako yung klaseng tao na ayoko mag-give up agad na hindi ko nagagawa ang lahat. Una sa lahat, karelasyon kita. Mahal kita. Tinanggap ko ang mga positibong aspekto ng buhay mo. Tatanggapin ko rin dapat ang mga negatibong parte mo," sagot niya.

"Pero hindi ako papayag na manatili sa relasyon na nananatili rin ang negatibong parte ng aspeto ng pamumuhay mo. I will do my best in my power."

Sa naturang round, parehong nakakuha ng puntos ang celebrity pairs na may 51% ng People na bumoto rin sa "makikipaghiwalay agad."

READ: Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo, nanalo sa The People Have Spoken

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Balikan ang kuwentuhan ng celebrity pairs at celebri-peeps, dito: