
Isa ang beteranang aktres na si Snooky Serna sa mga maagang nagsimula sa showbiz.
Sa edad na tatlong taong gulang, bumida na siya sa pelikulang Wanted: Perfect Mother (1970), kung saan nakatanggap siya ng pagkilala bilang isang child actress.
Dahil sa mahabang karera niya sa industriya, kinamusta siya ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 3, kung papaano siya nabago ng entertainment industry.
Deretsahang tanong ni Boy, “At the peak, Kookie, and let's just go back a little bit, yumabang ka?”
Pag-amin ni Snooky, “Yes. Hay nako, Tito Boy, for a long time, talagang it got into my head. Delusionally, I thought that akala ko para bang I was just fighting for my rights, Ako ay isang pained artist, and I was fighting the system.”
Gayunman, nagpapasalamat ang aktres dahil sa dami ng nangyari at pinagdaanan niya, inilagay pa rin siya ng Panginoong sa tamang lugar.
Na-realize daw niya, “That any time, any time, He can just take it all away. The oxygen in my lungs, everything around me, it's all temporal, temporary, temporal, so I have nothing to boast about.
"I'm very, very grateful that after all the things, the crap that I put myself through, it's not anyone's fault. It's my fault. It's my own doing, wala akong ibang sinisisi kung di ang sarili ko. Buo pa din ako, somehow, nandito pa rin ako, Tito Boy, I'm still standing, I'm still talking to you, Tito Boy, and it's all in God's good grace.”
BALIKAN ANG MOST NOTABLE ROLES NI SNOOKY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, aminado rin si Snooky na nahirapan siyang sagutin ang tanong ni Boy kung kailan siya dinurog ng industriya. Pero pag-amin niya, kung ano man ang nangyari sa kaniya ay hindi gawa ng entertainment industry ng direkta.
Paliwanag ni Snooky, “It was not a conscious effort to destroy me. If any, ako ang sumira sa sarili ko ng mga panahon na ako'y durog at basag at talagang hindi na malaman kung saan pupulutin, Tito Boy.”
Umabot din umano sa punto ng kanyang showbiz career na tila tinitingnan lang siya umano bilang isang commodity, at hindi bilang tao.
Sa kabila nito, naging malaking tulong aniya ang kaniyang pananampalataya sa Panginoon para mabuo niyang muli ang sarili.
“I would like to take the opportunity to give a living testimony that God, only God, made me whole again. Not anyone, not the industry, but it was all in God's good grace and it's still on God's good grace that I'm being made whole again,” sabi ng batikang aktres.
Panoorin ang panayam kay Snooky dito: