
Mapapa-'sana all' ang lahat na gustong magbawas ng timbang sa fitness transformation ng isang mahusay na aktres.
Talagang inspiration ang celebrity mom na ito matapos nitong ibahagi sa isang panayam na 80 lbs lighter na siya.
JAW-DROPPING CELEBRITY TRANSFORMATION:
Ang showbiz personality na parehong nakagawa na ng project sa GMA at ABS-CBN ay na-achieve ang kanyang fitness goal dahil sa intermittent fasting at workout.
Kuwento niya sa panayam ng isang primetime newscast, “Ang akin lang is that I've always been thin. So for me to gain so much weight and artista ka pa.”
“One day, I just woke up and said 'Wala, I'm gonna fix my life. I have to go on a strict diet, workout, and look even better than before.”