
Viral content creators mula sa Visayas at Mindanao ang magpapagalingan sa Family Feud ngayong June 4!
Pinangungunahan ng social media sensation na si Ian Mark Kamangkang ng South Cotabato ang Team Pitik. Bilang isang proud na miyembro ng T'boli ethnic group mula sa Lake Sebu, minahal siya ng netizens dahil sa kanyang nakakaaliw na personalidad at kakaibang dance moves. Ang nakilalang “Pitik Queen” ay binansagan pa ng netizens na “Secretary of the DPWH o Department of Public Works and High-waist” dahil sa kanyang iconic na tucked-in look. Tuluyang nag-viral si Ian Mark sa kanyang pagsayaw sa trending na “Hawak mo ang beat.”
Sa Family Feud stage, ipakikita niya ang “pitik with soft moves” kasama ang mga kaibigang sina Gav Fayao, Diniel Untang, at Yong Recto.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, handang makipagsabayan ang Team Bang sa pangunguna ng Bacolod-based na vlogger na si Johnmark Gon. Sumikat si Johnmark dahil sa kanyang nakakatawang content at viral na transformation videos na sinasabayan ng hit song ni Kyla na “Hanggang Ngayon.” Nakatrabaho na rin niya ang ilan sa mga biggest stars tulad nina Marian Rivera, Kris Bernal, at marami pang iba.
Sasamahan siya sa matinding hulaan at tawanan ng kanyang mga kapwa content creator na sina Dino Pretta, Babyboy Barquin, at Jayr Penuela.
Abangan ang Huwebes na puno ng good vibes sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 4, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.