GMA Logo Macoy Dubs on Bubble Gang
Source: Bubble Gang & Macoy Dubs
What's on TV

Social media star Macoy Dubs, spotted sa 'Bubble Gang ng Bayan' auditions

By Aedrianne Acar
Published July 21, 2025 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Macoy Dubs on Bubble Gang


Mukhang gusto ni Auntie Julie (Macoy Dubs) na mapasama sa 'Bubble Gang' barkada.

Maraming Ka-Bubble ang nangangarap maging bahagi ng award-winning at longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang.

Kaya naman dagsa ang lahat sa Bubble Gang ng Bayan auditions, kung saan masigasig ang buong Bubble Gang team para mahanap ang next superstar comedian o comedienne.

Isa sa spotted sa naunang leg ng Bubble Gang ng Bayan auditions ay ang social media star at TikTok content creator na si Macoy Dubs o si Mark “Macoy” Averilla sa totoong buhay. Nakilala si Macoy sa funny characters niya online tulad ni Auntie Julie.

Sa Facebook page ng Kapuso gag show, makikita ang highlight ng kanyang audition kung saan nakaeksena pa niya ang Your Honor host na si Buboy Villar.

Pinilahan din ng maraming hopefuls ang isinasagawang auditions ngayon Lunes, July 21, sa GMA Network Center kahit maulan.

Sino kaya ang magiging bagong Ka-Bubble barkada? Malalaman natin 'yan soon.

Para sa updates tungkol sa Bubble Gang, bisitahin lang ang GMANetwork.com o i-follow ang official social media pages ng Kapuso gag show.

RELATED CONTENT: Bubble Gang viral clips in 2024