GMA Logo May Ann Basa sa TBATS
PHOTO COURTESY: bangusgirl (IG)
What's on TV

Social media star May Ann Basa aka 'Bangus Girl,' sasabak sa matchmaking game ng 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published March 31, 2024 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Endemic na hayop sa Mindanao na tingkolit o 'treeshrew,' nakita sa Mt. Apo
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

May Ann Basa sa TBATS


Sasabak ang TikTok sensation at bagong Sparkle star na si May Ann Basa sa 'Pusuan Na 'Yan' ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Siguradong magiging Best Time Ever ngayong Linggo (March 31) dahil sa bagong episode ng The Boobay and Tekla Show.

Mapapanood mamayang gabi ang hit matchmaking game na "Pusuan Na 'Yan" at ang searcher ay ang isa sa bagong Sparkle artists at social media sensation na si May Ann Basa, a.k.a. “Bangus Girl.”

Tatlong up-and-coming actors and models naman ang susubukan na mapabilib ang ating searcher.

Ito ay sina Genesis Redido, isang professional volleyball player at aspiring actor, Dylan Menor, isang model-actor, at Matthew So, isang male pageant veteran na nagwagi bilang second runner-up sa Mr. Chinatown 2023.

But wait, there's more! May bagong twist ang inyong paboritong dating game na dapat n'yong abangan mamaya.

Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. May delayed telecast din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.