
Sobrang excited na si 'Banana Queen' Joyce Glorioso a.k.a Joyang sa kanyang kauna-unahang TV appearance sa 'Magkaibigan' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado.
Nagsimulang makilala si Joyang sa kanyang mga nakatutuwang TikTok at Facebook videos kung saan makikita siyang sumasayaw sa kusina nang walang anumang reaksyon sa kanyang mukha.
Kasalukuyang mayroong mahigit 2.2 million followers at 38.2 million likes sa TikTok, at 544,000 followers sa Facebook ang 'Banana Queen.'
"Abangan n'yo po ako sa 'Wish Ko Lang' [ngayong Sabado] November 27, 4 p.m sa GMA-7," pagbabahagi ni Joyang sa Instagram.
Mapapanood si Joyang sa 'Magkaibigan' episode ng bagong Wish Ko Lang bilang si Flora. Makakasama niya rin dito sina Rabiya Mateo, Jeric Gonzales, Kim Rodriguez, Sue Prado at Lovely Rivero.
Huwag palampasin ang 'Magkaibigan' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, mas kilalanin si 'Banana Queen' Joyang sa gallery na ito: