GMA Logo Ychan Laurenz
What's Hot

Social Media star na si Ychan Laurenz, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published March 31, 2022 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ychan Laurenz


Abangan si Ychan Laurenz bilang si Cheska ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Sobrang excited na si Christian Laurenz Andrade, mas kilala bilang Ychan Laurenz para sa kanyang kauna-unahang TV role sa "Kalbaryo" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Ychan Laurenz

Nagsimulang makilala si Ychan sa kanyang mga nakatutuwang content sa TikTok at Facebook tulad na lamang ng mga nakakatawang pangyayari sa loob ng jeep, palengke, eskuwelahan, at maging sa online classes.

Kasalukuyang mayroong mahigit 2.6 million followers at 74.5 million likes sa TikTok, at 852,000 followers sa Facebook si Ychan.

"Artista na ako. Hindi ko ini-expect na makakapag-work ako sa TV kahit 'di ko na pursue 'yung dream course ko na MASCOM kasi nga nag-engineering ako for my parents. Kakagawa ko ng funny videos umabot na tayo sa TV,'" pagbabahagi ni Ychan.

Mapapanood si Ychan sa "Kalbaryo" episode ng Wish Ko Lang bilang si Cheska, ang matalik na kaibigan ni Miss Meggy (Nathan Lopez). Makakasama rin nina Ychan at Nathan sa episode na ito sina Rochelle Barrameda, Mon Confiado, Kristoffer Martin, at Yvette Sanchez.

Huwag palampasin ang "Kalbaryo" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: