
Sunud-sunod ang post at paandar ng ilan sa mga sikat na content creator ngayong back-to-work mode na ang karamihan ng mga Pinoy matapos ang five-day Holy Week break.
Una diyan ang Monday motivation post ni Mimiyuuuh, na may nakakatawang paalala sa mga followers niya sa Instagram.
Hirit ng sikat na social media star kahapon, April 10, “Wala pang work! Holiday pa rin po. Andito lang naman ako, gusto ko lang kumustahin: kumusta bakasyon mo?”
“Happy ka? Happy ka? Aba! Dapat lang, kasi bukas opo haha ngarag!”, sabi ni Mimiyuuuh, “Ngarag naman po tayo bukas. Alipin naman po tayo ng salapi bukas ano po”
May mahigit sa 80,000 likes na ang latest Monday motivation post na ito ni Mimiyuuuh.
Source: mimiyuuuh (IG)
May sarili rin hugot ang content creator na si Davao Conyo o Phillip Hernandez sa totoong buhay.
Ayon sa kaniyang Instagram Reel, napakahirap na magbalik-trabaho dahil wala pa siya sa mood.
'Yun lang, wala rin daw pakialam ang sandamakmak na bills na naghihintay mabayaran sa nararamdaman niyang lack of motivation.
Napili naman topic ni Mark Averilla, o mas kilala bilang Macoy Dubs, ang matinding traffic na hinarap ng mga motorista sa mga expressway sa pagbabalik nila sa Metro Manila.
Post ni Macoy Dubs, “Paki tabi at paki hazard, bababa na ako, lalakarin ko na lang pabalik ng Maynila. Salamat!”
SAMANTALA, SILIPIN ANG BAKASYON NG ILANG ARTISTA NGAYONG HOLY WEEK DITO: