
Eye opening ang episode kasama ang model/comedienne na si Wilma Doesnt nang mag-guest ito sa Tonight With Arnold Clavio at magbahagi ng kuwento tungkol sa discrimination dahil sa kulay ng kaniyang balat.
Ayon kay Wilma, isang socialite actress daw ang bumastos sa kaniya.
Aniya, “May nag-discriminate sa akin, isang socialite actress. Oo, nagtrabaho na ako noon. Kasi kausap ko ‘yung asawa niya so may kausap din akong friend, most of my friends are boys. So baka kasi dahil nga lumaki ako sa neighborhood ng boys."
“So kausap ko ‘yung asawa niya gani-ganiyan, so ‘yung asawa niya tawa nang tawa because komedyante ako. Alam mo ba humarap sa akin [at sinabi niya] 'Puwede ba maligo ka pagkatapos niyan ha.'”
Laking pasalamat ni Wilma nang ipagtanggol siya ng isa niyang mayaman na friend matapos makaranas ng discrimination mula sa socialite actress.
“Buti na lang mayroon akong isang friend na mayaman, na mayor na ngayon. At sinabi niya ‘Hoy! kahit na ganiyan sabihin mo ang kulay ng babaeng 'yan, malinis sa katawan 'yan."
Video courtesy of GMA Public Affairs