GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay on Your Honor
Source: Your Honor
What's on TV

Sofia Pablo admits initial doubts about joining PBB: 'Hindi naman po lahat nangyayari sa loob na-e-ere'

By Aedrianne Acar
Published June 14, 2026 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RESIBO (June 14, 2026) | LIVESTREAM
'Dad Mode On: Fuel the MVP of the House': A Father's Day Celebration of Feasts, Family Moments, and Fun Surprises
Baterbonia's siblings to get scholarships from Ateneo de Davao

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay on Your Honor


Sofia Pablo, may hugot bago mag-audition bilang housemate sa 'Pinoy Big Brother.'

Mahabang proseso ayon sa Sparkle actress na si Sofia Pablo bago siya umo-'oo' na sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Ito ang tinalakay ni Sofia kasama si Allen Ansay sa guesting nila sa Your Honor hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar.

Ayon sa former Prima Donnas star na nararamdaman niya na maraming mata na nakatingin sa kaniya at nami-misinterpret ang mga kilos niya.

Kaya naman malaking tulong ang PBB para lalo siyang maintindihan ng publiko.

Paliwanag niya sa House of Honorables, “Before po kasi, kaya rin ako like ganun na parang tahimik lang like parang I'd rather be quiet kasi nga parang before PBB, 'yung tao laging may nasasabi sa akin. So parang natakot ako na konting galaw baka sabihin nila ganito na naman.

“So nanahimik na lang po ako, kaya pinili ko talagang ipush na mag-go na sa PBB, kasi sabi ko 'yan na 'yung chance ko na ipakita talaga na eto ako, masayahin talaga ako. Kaya talagang Team Jolly 'to, bubbly po talaga ako. So, nung lumabas ako tapos nakita kong na the people saw me na who I'm really am. Hindi na ako takot na magpakatotoo talaga."

Sinegundahan ni Allen ang sinabi ni Sofia, “Noong una talaga nagda-dalawa siyang isip mag-PBB.”

“Actually po no joke! Nung fitting nung GMA Gala, final fitting papunta kasi kami ni Allen sa designer ko. Tapos, kinausap niya ako nang seryoso. Kasi, nagagalit ako 'pag pinipilit niya ako,” pagbabalik-tanaw ng Kapuso actress.

Ayon kay Allen na lagi raw in-e-encourage si Sofia Pablo na i-try na maging Housemate at mga apat beses niya inuulit sa ka-loveteam na mag-audition.

Dito na inilahad ng former housemate ni Kuya ang agam-agam niya na sumabak sa isang 24/7 reality show.

Aniya, “Tapos, natatakot ako siyempre hindi naman po lahat ng nangyayari sa loob nae-ere. So, parang iniisip ko na parang, 'Paano kung hindi i-ere 'yung mga ano. Ang ma-ere lang 'yung ganito, ganiyan?'

“Pangit pakinggan pero like bad edits, tapos, maupload sa TikTok, 'tapos masira lang ako lalo. Kahit nga buo 'yung clip 'pag ini-air sa PBB, minsan 'yung fans i-e-edit nila 'yun 'tapos iibahin nila 'yung context. Dun ako natakot.

“Lagi nga ako naano ganiyan na fake issues, 'tapos parang ilalapit ko 'yung sarili ko sa isang show na makikita ako 24/7, 'tapos hindi ko alam kung ano kakalabasan.”

Matapos naman ang kaniyang PBB journey, napansin niya na malaki ang naitulong nito sa personal niyang buhay.

Lahad niya sa Your Honor, “Siguro po noong nag-20 ako, actually, mula nung paglabas ko ng House nakita ni Mommy na parang mas nag-mature. 'Tapos parang nakita niya na mas naging independent po ako on my own.

“Ngayon, hindi na ako nagtatanong alam ko na 'yung ano dapat kong gawin talaga. Kasi, inside the House natuto talaga ako maging independent.”

Obserbasyon ni Madam Cha kay Sofia, “You look happier, kasi dati nakikita ko siya para siyang 'yung laging pagod. Tsaka, may sarili siyang mundo, pero ngayon 'yung aura 'yung ang saya-saya.”

Source: Your Honor

RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now