
Maagang Saturday morning pampakilig ang hatid sa atin ng Sarap, 'Di Ba?.
Ngayong December 24, makakasama nina Carmina Villarroel-Legaspi at Mavy Legaspi ang new kilig love teams ng Sparkle. Ito ay ang tambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay at nina Althea Ablan at Bruce Roeland.
Ang mga hip Kapuso idols ang mga magtatapat sa "SarapDiBalympics" games na inihanda nina Carmina at Mavy.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Si Mavy naman ang magluluto this week para sa kaniyang co-Sparkle artists. Magluluto siya ng masarap na Chicken Curry with Boiled Eggs.
Abangan ang exciting na episode na ito ng Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.