GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay at Will Ashley
What's Hot

Sofia Pablo, Allen Ansay at Will Ashley, excited magtaping sa city jail

By Kristian Eric Javier
Published April 9, 2024 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay at Will Ashley


Sa '24 Oras' interview kahapon (April 8), nagkuwento ang young stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay at Will Ashley tungkol sa kanilang bagong serye, ang 'Prinsesa ng City Jail.'

Excited na ang mga bida ng upcoming Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail na sina Sofia Pablo, Allen Ansay at Will Ashley. Challenging para sa young Kapuso stars ang nasabing serye dahil kukunan umano ang ilang eksena sa loob mismo ng isang city jail na bihira mangyari sa ibang serye.

Ang Prinsesa ng City Jail ay umiikot sa buhay ni Princess, na ginagampanan ni Sofia. Lumaki si Princess malapit sa isang city jail kasama ang mga jail guard. Makikilala niya si Xavier (Allen), isang bagong inmate at tutulungan siya nitong hanapin ang kaniyang pamilya.

Sa interview nila kay Lhar Santiago sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras, nagkuwento sina Sofia at Allen tungkol sa kanilang bagong serye.

“Excited ako na ma-experience 'yung parang mag-taping sa loob ng kulungan kasi it's something new and hindi kasi lahat ng show na-e-experience 'yun,” sabi ni Sofia.

Dagdag pa ni Allen, talagang naghanap ang direktor nilang si Direk Jerry Sineneng ng tamang location kung saan mas ma-e-experience nila talaga ang magtrabaho sa loob ng isang kulungan.

RELATED: SOFIA AND ALLEN'S FUN JAPAN VACATION

Makakasama rin nila si Will Ashley bilang parte ng kanilang love triangle sa unang pagkakataon. Ani Will, bago ito sa kaniya dahil noong una silang nagtambal ni Sofia ay wala pa si Allen.

“Pero siyempre, I respect AlFia pero excited ako siyempre na gawin itong trabahong ito. Challenging para sa aming lahat, pero gagawin namin 'yung best namin,” sabi niya.

Para naman kay Allen, importante na kasama si Will sa serye.

Paliwanag niya, “Talagang kumbaga, hindi rin makukumpleto kung wala si Will kasi ang ganda nung mga magiging eksena.”

Dagdag din ni Sofia, “Magkaugali kasi sila, like they're both really fun to be with so excited ako sa set.”

Makakasama rin ng tatlo sa Prinsesa ng City Jail ang ilan sa mga bigating artista tulad nina Dominic Ochoa, Keempee De Leon, Al Tantay, Minnie Aguilar, Ayen Laurel, Denise Laurel at Beauty Gonzalez.

At dahil may bago na siyang pamilya sa Prinsesa ng City Jail, inimbita na rin ni Sofia ang lahat ng kaniyang co-stars sa kaniyang upcoming debut.