
Nakisaya ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na sina Sofia Pablo at Iñigo Jose sa It's Showtime ngayong Miyerkules (March 4).
Sa pagbisita nina Sofia at Iñigo sa naturang programa, sumalang sila sa "Laro Laro Pick" segment kasama ang Madlang Players mula sa Manggahan, Pasig City.
Bago nagsimula ang laro, tinanong ng host na si Vhong Navarro ang ex-PBB housemates kung ano ang kanilang nami-miss sa loob ng Bahay ni Kuya.
"Unang-una, 'yung housemates. Pero moments inside, dishwashing area," anang Kapuso actress.
Dagdag niya, "Marami kasing memories do'n."
Para naman sa Kapamilya actor, nami-miss niya ang black couch sa loob ng PBB house, kung saan sila nagkukuwentuhan ng kanyang kapwa housemates.
Nang tanungin ni Vhong si Iñigo kung ano ang tumatak na kuwentuhan para sa kanya, aniya, "Actually, lagi kami ni Sofia nagku-kuwentuhan do'n e."
Bukod dito, kinamusta naman ni Jackie Gonzaga ang samahan nina Sofia at Iñigo sa iba pang former housemates ngayong natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
"Actually, kakatapos lang po namin mag-rehearse and gawin 'yung Big Night, so lahat po kami magkakasama no'n. Tapos doon po namin nakita ulit 'yung Big Eight. So, sobrang happy kasi lahat kami magsasama ulit ngayon sa outside world na," pagbabahagi ni Iñigo.
Labis din ang pasasalamat nina Sofia at Iñigo sa kanilang fans dahil sa kanilang pagmamahal at suporta.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: The winning highlights of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' The Big Night