GMA Logo Sofia Pablo, Marco Masa
Courtesy: Kenneth Cabalan, GMANetwork.com
What's Hot

Sofia Pablo and Marco Masa express excitement for film 'Huwag Kang Titingin'

By EJ Chua
Published March 12, 2026 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

How an Indian LPG tanker escaped Hormuz via an unusual route
Graduate in Zamboanga shares milestone with father in jail
Ateneo implements temporary restrictions on international and domestic travel across the Higher Education cluster

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Marco Masa


Ibinida ng 'PBB 2.0' ex-housemates na sina Sofia Pablo at Marco Masa ang kanilang kinabibilangang proyekto na isang horror film.

Kabilang ang Sparkle stars na sina Sofia Pablo at Marco Masa sa cast ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.

Masayang ibinahagi nina Sofia at Marco ang kanilang excitement at pagiging proud sa pelikula sa naging panayam sa kanila ni Athena Imperial sa 24 Oras nitong Miyerkules, March 11.

Pahayag ni Sofia, “May hinahabol kaming deadlines so sabi namin ibibigay namin 'yung best para rin paglabas namin, 'yung project na babalikan namin talagang nakakaproud siya na ipakita sa mundo.”

Proud namang inilarawan ni Marco ang kanyang role sa horror film.

“Iba 'yung klase ng build up, iba 'yung mayroong tinatago 'yung character ko na natatakot siyang harapin but eventually kakailanganin niya itong harapin. So, ibang klaseng character arc siya,” sabi ng Sparkle actor.

Courtesy: 24 Oras


Sina Sofia at Marco ay kabilang sa sampung Kapuso stars na naging official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Si Sofia ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City habang si Marco naman ang tinaguriang Wonder Brother ng Antipolo na nagkaroon ng pagkakataong makabalik noon sa Bahay Ni Kuya bilang wildcard housemate.

Parte rin ng cast ng Huwag Kang Titingin ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Michael Sager, Josh Ford, at Shuvee Etrata.

Magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ang naturang horror film sa April 15.

Related gallery: Huwag Kang Titingin cast, nakisaya sa Dinagyang Festival 2026