
Sa Idol sa Kusina, may cute na young Kapuso love team na bumisita kina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza.
Sina Sofia Pablo at Will Ashley na kilala rin bilang SoWill ay pinaghandaan nina Chef Boy at Chynna ng ilang yummy chicken recipes nitong June 23.
Sa gitna ng kanilang food preparation ay naitanong ng Idol sa Kusina hosts kung paano nga ba nagsimula ang tambalang SoWill, pati na rin ang kanilang kaabang-abang na bagong show na Prima Donnas.
Panoorin ang kanilang kuwentuhan sa Idol sa Kusina.