
Sa pagtatapos ng kinagiliwang serye ng mga manonood na Luv Is: Caught in His Arms na nagbalik ng kilig feeling sa primetime, ibinida ng lead stars nito na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ang mga aral na natutunan nila sa kanilang mga karakter sa serye.
Para kay Sofia na gumanap bilang si Florence Dela Cruz at Celestina Almero sa nasabing series, natutunan niya na mas pahalagahan ang pamilya kahit ano mang pagsubok ang haharapin sa buhay.
Aniya, “Ang natutunan ko kay Florence na mababaon ko forever is 'yung dapat kahit ano 'yung nangyayari, kahit na may mga problems, number one pa rin talaga 'yung family mo sa mga pagsubok kasi sila po 'yung mga tao na hindi ka idya-judge, sila 'yung mga makikinig, sila 'yung mga mag-a-advice talaga sa 'yo. Whatever happens, nandiyan lang sila palagi para sa 'yo.”
Gaya kay Sofia, family first din ang napulot na aral ni Allen na gumanap bilang si Nero Ferell sa serye.
“Ako rin family and friends. Si Nero kasi blocked na 'yung puso niya e, kung baga, kaya siya naging masungit, lagi siyang galit dahil hindi niya in-allow 'yung puso niya na papasukin 'yung mga taong nagmamahal sa kaniya para ipaliwanag sa kaniya na lahat ng problema ay malalagpasan,” wika ng teen actor.
Biro naman ni Sofia, “Pinapasok mo na nga ako sa puso mo e.”
Sa panayam ng dalawa sa GMANetwork.com, ibinahagi rin nila ang kanilang naramdamang saya nang makita ang kanilang maraming fans na dumalo sa ginanap na grand fans day ng series kamakailan.
Pagbabahagi ni Sofia, “Super na-shock po and kinilig na may halong tuwa, na may halong amazement, kapag nagmo-mall show po kami and naririnig na po namin 'yung sigaw ng mga tao, ng supporters, ng fans, ng mga ka-Team Jolly namin na present sa fans day.
“Iba po 'yung feeling kapag naririnig mo na sumisigaw sila kasi excited po [silang makita kami] and nakakatuwa kasi alam namin na we're doing the right thing na nakakapag-inspire po kami ng mga tao and ang saya kasi nakikita po namin 'yung hardwork po namin na nagbubunga po talaga siya.”
Thankful din si Allen dahil sa maraming sumuporta sa kanilang first-ever primetime series ni Sofia.
Aniya, “Sobrang ramdam namin 'yung pagmamahal nila, kaya talagang sobrang nag-enjoy kami na magpaklilig kanina and hindi ko in-expect na ang dami talagang nagmamahal sa Luv Is: Caught in His Arms and ayun very thankful kami sa kanila.”
Ang Luv Is: Caught in His Arms ay ang first collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon studios na TV adaptation ng hit web novel na “Caught in His Arms.”
Abala na rin ngayon sina Sofia at Allen sa kanilang bagong proyekto na digital series sa GMA Public Affairs na pinamagatang In My Dreams.
Samantala, abangan ang mas tumitinding mga tagpo sa huling limang gabi ng Luv Is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.
SILIPIN ANG STUNNING VISUALS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA ISANG MAGAZINE COVER SA GALLERY NA ITO: