GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay, In My Dreams
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, bibida sa bagong digital series ng GMA na 'In My Dreams'

By Jimboy Napoles
Published February 17, 2023 6:28 PM PHT
Updated May 30, 2023 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay, In My Dreams


Isang bago at kakaibang digital series ang pagtatambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay -- ang 'In My Dreams.'

Hindi pa man tapos ang kanilang first-ever primetime series na Luv is: Caught in His Arms, naghahanda na ngayon ang Sparkle sweethearts o kilala rin bilang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay para sa kanilang upcoming digital series sa GMA Public Affairs na In My Dreams.

Sa isang panayam kasama ang showbiz news correspondent na si Nelson Canlas, ibinahagi ng dalawa na naiiba ang kanilang mga bagong karakter sa nasabing digital series kumpara sa mga nagawa na nila noon.

Kuwento ni Sofia, “Binigyan po kami ng assignment na mag-research ng five characters na hindi pa namin napo-portray and gusto ko rin po ito kasi in my past roles lagi po kasi akong mabait except sa Prima Donnas na medyo naging palaban, matapang.”

Nagbigay naman ng kaunting detalye si Allen sa kung ano ang magiging karakter niya sa digi-series.

Aniya, “Malayo from Prima Donnas, sa mga ginawa namin, and nakaka-excite kasi medyo malapit ito sa akin, mapapa-Bicol ako dito.”

Iikot ang kuwento ng In My Dreams sa business student at No Boyfriend Since Birth o NBSB na si Sari na ginagampanan ni Sofia, at kay Jecoy na binibigyang buhay naman ni Allen.

Upang maibsan ang kanyang kalungkutan sa realidad ng buhay, nakabuo ng bagong mundo si Sari sa pamamagitan ng lucid dreaming kung saan niya nakilala si Jecoy. Sa kanyang panaginip, pawang kasiyahan lamang ang kanyang nararanasan kasama si Jecoy.

Hanggang panaginip na lamang ba ang love story nina Sari at Jecoy? O may pag-asa pang magtagpo muli ang kanilang mga landas sa totoong buhay?

Ang In My Dreams ay mula sa may likha ng matagumpay na fantasy romance drama ng GMA na The Lost Recipe.

Abangan ang In My Dreams kasama sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa darating na Marso 2023.