
Pahinga muna sa takutan at kababalaghan ang cast ng Huwag Kang Titingin para sa isang sizzling at star-studded fashion show.
Kamakailan, ilang Sparkle stars ang rumampa sa runway ng Bench Fashion Week Spring/Summer 2026 collection.
Kabilang sa mga nag-model sina Sofia Pablo at Allen Ansay, na naghatid ng youthful energy sa kanilang colorful outfits. Bukod sa kanilang charm, hinangaan din sila ng mga manonood sa ipinakita nilang professionalism sa runway.
Habang rumarampa ang dalawa, nagkaroon bigla ng technical difficulty sa background music. Ngunit sa kabila nito, itinuloy ng duo ang kanilang paglalakad dala ang kanilang confidence at charisma.
"Kahit medyo nagkaaberya kanina sa music, talagang makikita mo 'yung bawat isa talagang tulungan para matuloy pa rin 'yung show," pahayag ni Allen sa 24 Oras.
Dagdag ni Sofia, "Habang naglalakad po ako, 'yun 'yung peak na nawala talaga 'yung music. So na-stress ako nang slight. But sabi ko nga, 'The show must go on'"
Kapansin-pansin din ang paglabas sa runway ng co-star nilang si Michael Sager, na nagpakita ng natural na charm sa kanyang casual yet clean look. Kinilig din ang ilang manonood nang batiin niya ang audience gamit ang kanyang signature charming smile.link:
Patuloy na mapapanood sina Sofia Pablo, Allen Ansay, at Michael Sager sa chilling horror film na Huwag Kang Titingin.
Kasama nila sa pelikula sina Marco Masa, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.
Huwag palampasin ang Huwag Kang Titingin, now showing in cinemas nationwide!
Samantala, silipin ang Bench Fashion Week 2026 runway ng ilang Kapuso stars sa gallery na ito: