GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
Source: sofiapablo (IG)
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, hindi nababakante at may bagong project na uli sa GMA-7

By Aedrianne Acar
Published April 29, 2023 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Mapapanood ng fans nina Sofia Pablo at Allen Ansay ang dalawa sa isang big sitcom tampok ang tatlong A-list celebrities. Alamin ang mga detalye RITO!

Hindi nabakante ang Sparkle love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, dahil matapos ang tambalan nila sa Luv Is: Caught In His Arms may follow up project na agad silang dalawa.

Napanood ang kilig finale ng Luv Is noong March 10 at ngayon naman nagre-ready na sila sa much-awaited sitcom na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto, Jose Manalo, at Maja Salvador na Open 24/7.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa AlFia, parehong sinabi ng on-screen couple na isang malaking sorpresa nang malaman nila parte sila ng big sitcom na ito.

Lahad ni Allen, “Actually, nagulat kami kasi biglaan po talaga 'yun parang sinabi sa amin na kunwari ngayon, tapos kinabukasan sinabi may zoom kami, 'tapos may bago raw kaming sitcom. Tapos hindi pa namin alam nung una na kasama namin sila Bossing.

“'Tapos nung nalaman namin, sabi namin, 'yung mga pinapangarap lang namin dati na maka-work, napapanood lang namin sa TV is makakasama na namin ngayon.”

Source: sofiapablo (IG)

Nagkuwento rin si Sofia sa nangyari nang magkaroon sila ng storycon via Zoom at bigla nila nakita ang tatlong A-list stars.

Pagbabalik-tanaw ng mestiza beauty, “Akala po kasi namin, nung natanggap namin 'yung text, kasi biglaan lang talaga namin siya natanggap. Like the night before, sabi nga po ni Allen, bigla na lang sabi: [inaudible] Open 24/7 storycon 7 p.m.. Sabi ko, 'Huh? May show ba tayo?'”

“Sabi namin, saan po yan?, [tapos sinabi], 'Oh! Sitcom n'yo yan!'. So, hindi pa po namin alam, kung sino 'yung cast, 'tapos nagulat po kami. Pagbukas ng Zoom, andun si Bossing Vic Sotto, si Sir. Jose Manalo, si Miss Maja Salvador.”

Dagdag ni Sofia, “I think lahat po halos ng artista, lalo na po si Bossing, goals talaga silang tatlo na maka-work. Lalo na kung, gusto mo talagang maging matagumpay na artista. Nasa bucket list mo talaga sila na maka-work, lalo na kung ang gusto mo na i-pursue is comedy.

“Kasi, when it comes to comedy, sila agad 'yung mga maiisip mo, e. Ang nagpasaya pa lalo to this sitcom [is] first sitcom po namin siya.”

Bukod sa Luv Is: Caught In His Arms, napanood din ng ang AlFia sa Raya Sirena (2022) at Prima Donnas: Book 2 (2022).

SILIPIN ANG ILAN SA KILIG PHOTOS NG ALFIA DITO: