
"Puwede po kami dumating sa time na 'yan."
Ito ang naging sagot ni Allen Ansay sa mga nagtatanong kung may namamagitan na ba sa kanila ng kanyang ka-loveteam na si Sofia Pablo.
Madalas kasing magkasama sa vlogs at TikTok videos sina Allen at Sofia na binansagang 'Team Jolly' ng kanilang fans dahil sa pagiging masiyahin nila.
Paglilinaw ni Allen, magkaibigan lang sila ni Sofia pero hindi siya sinasara ang posibilidad na maging sila.
Saad niya, "Pero hindi pa ngayon kasi marami pa kaming goals sa buhay namin, marami pa kaming gustong matupad na pangarap namin.
"Kaya lagi naming pinag-uusapan na i-enjoy muna namin."
Samantala, magsasama na sa iisang project sina Sofia at Allen.
Kahit hindi pa nila puwedeng sabihin kung kailan ito mapapanood, hindi na nila naitago ang saya dahil magiging magkatrabaho silang dalawa.
Ani Sofia, "Iba 'yung saya kapag kasama mo magtrabaho 'yung taong kumportable ka, para kang may kaibigan sa set."
Para naman kay Allen, masaya siyang pati ang mga nanonood ng telebisyon ay mapapasaya na sila.
"Sobrang sarap sa pakiramdam na pagtapos ng lahat, nagba-vlog lang kami, nagti-TikTok tapos ngayon magsasama na kami sa teleserye.
"Kaya talagang nakaka-excite."
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras sa video sa itaas. Kung hindi nagpe-play ang video, pumunta DITO.
Samantala, maraming pang love teams ang kailangan abangan bukod sa Team Jolly. Kilalanin sila DITO: