What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, looking forward sa Holy Week break

By Kristine Kang
Published March 18, 2026 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Spurs bury 25 treys, rout Kings and sweep season series
LRT-1, LRT-2 to halt operations from Maundy Thursday to Easter Sunday for maintenance
GMA Network Radio Stations Reaffirm Leadership in Mega Manila for February 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Excited na rin sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa kanilang upcoming movie na 'Huwag Kang Titingin'

Bago harapin ang matinding takutan sa horror film na Huwag Kang Titingin, maglalaan muna ng panahon para magpahinga at magnilay ang Kapuso stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Sa kanilang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ng Team Jolly ang kanilang inaabangang bakasyon ngayong Holy Week.

Ayon kay Sofia, matutuloy na sa wakas ang matagal na niyang planong K-drama trip simula nang pumasok siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

"Ako actually, Holy Week and birthday plans ko na rin since magkadikit lang. Mag-Korea talaga. Kasi parang second week ko pa lang ata sa Bahay ni Kuya, goal ko na talaga na gusto kong mag-Korea for vacation," pahayag niya.

Samantala, reconnect at reflect naman ang plano ni Allen sa kanilang probinsya.

"Ang trip ko naman ngayon is mag-drive pa-Bicol. Syempre, celebrate with the family," aniya.

Ang kanilang bakasyon ay magsisilbing recharge nila bago ang nalalapit na premiere ng Huwag Kang Titingin.

Hindi na maitago ng dalawa ang kanilang excitement, lalo na't matinding effort ang kanilang ibinuhos sa proyekto.

"Kailangan ko talaga magseryoso at i-push. Ayun nga medyo naninibago ako kasi iba talaga 'yung movie nga...'Yung mga eksena sa movie iba talaga kailangan perfect, magawa ng maayos, unlike sa mga serye," kwento ni Allen.

Para naman kay Sofia, dream come true na makasama siya sa isang horror film.

"Actually noong nanonood nga po ako ng trailer, parang sobrang nakaka-proud. Kasi pangarap ko lang 'yun noong bata ako na makapaggawa ng horror na Pinoy film. Tapos ito na. Nandiyan na 'yung trailer, ipapalabas na siya in cinemas. Kaya I'm really praying na panoorin siya ng mga tao kasi pinaghirapan talaga namin siyang lahat," sabi niya.

Mapapanood sa sinehan ang chilling horror experience na Huwag Kang Titingin simula ngayong April 15.

Handog ito ng GMA Pictures at Mentorque Productions, sa direksyon ni Frasco Mortiz at sulat ni Ays de Guzman.

Kabilang din sa cast sina Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Samantala, balikan ang masayang pagbisita ng Huwag Kang Titingin cast sa Davao City: