
Magsisimula na ngayong Linggo (February 2) ang monthlong anniversary celebration ng The Boobay and Tekla Show.
Tiyak na maghahatid ng saya at puno ng kilig vibes ang "KILIG-TAWA: The Anniversary Special" dahil sa guest Kapuso love teams at real-life couples ngayong buwan ng pag-ibig.
Magsisimula ang masayang selebrasyon sa pagbisita ng leads stars ng GMA Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Masusubok ang comedic talent nina Sofia at Allen sa Kilig-Tawa Acting Challenge at sasalang din sila sa "Truth or Dare" segment, kung saan mapapasabak sila sa physical challenges pagkatapos harapin ang mga maiinit na tanong.
Ipa-prank naman nina Sofia at Alleb ang isa sa kanilang celebrity friends sa "Tawag ng Tawanan."
Related gallery: Sofia Pablo and Allen Ansay's photos that show their special relationship
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.