GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
Source: sofiapablo (IG)
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, magkaklase sa pagpasok nila sa kolehiyo

By Kristian Eric Javier
Published August 8, 2025 7:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Tropical Storm Ada as of 5:00 PM (Jan. 18, 2026)
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Handa na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na ipagpatuloy ang kanilang school journey sa kolehiyo!

Ilang buwan mula nang magtapos si Sofia Pablo sa senior high school with honors, balik eskwela na siya sa kolehiyo. Ngunit sa pagkakataong ito, kasama na niya ang kapareha niyang si Allen Ansay.

Sa Instagram ni Sofia, nagbahagi siya ng video kung saan makikita siya at si Allen na nakauniporme at at handa nang pumasok sa unang araw ng kanilang klase kamakailan lang.

Caption ni Sofia sa kanyang post, “From SHS to college… but this time, with him”

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)

Matatandaang pansamantalang nahinto si Allen ng college at ngayon ay back to school na siya. Aniya, na-inspire siya kay Sofia matapos niting pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista last year.

“Last year, parang sabi ko, gusto ko nang pumasok ng pag-aaral kasi nakikita ko siya, napagsasabay niya naman. Ayun, finally, magkaklase kaming dalawa,” sabi ni Allen sa panayam nila kay Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Huwebes, August 7.

BALIKAN ANG CELEBRITY GRADUATES NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO:

Bachelor of Arts in Communication ang kinuhang kurso nina Sofia at Allen. Ayon pa sa Team Jolly, advantage din a magkaklase sila.

Paliwanag ni Sofia sa kursong kinuha nila, “Na-feel namin na mas [in line] sa career path namin and work namin 'yung Comms. At least mas mate-train din kami kung paano behind the camera.”

Pagkatapos ng kanilang klase, dumalo rin sina Sofia at Allen sa premiere ng pelikulang "Ganito Tayo Kapuso," kung saan tampok ang pitong maiiksing pelikula tungkol sa pitong core values ng mga Pilipino.

Bumibida sina Sofia at Allen sa pelikula tungkol sa pagiging mapagmalasakit sa kapwa. Kasama nila sa premiere sina Mikee Quintos, Matt Lozano, iba pang Sparkle stars, at Sparkle kids. Dumalo rin sa premiere ang ilang opisyal ng GMA Network.

Panoorin ang panayam kina Sofia at Allen dito: