GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, magkukumpitensiya sa 'Regal Studio Presents: Dikit-dikit, Lagkit-lagkit'

By Marah Ruiz
Published July 3, 2025 4:59 PM PHT
Updated July 3, 2025 10:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Leviste: Cabral files just the tip of the iceberg
Pila ka mga dalan sa Jaro, pasiraduhan bwas para sa Jaro Fiesta opening parade | One Western Visayas
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Magtatambal sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa 'Regal Studio Presents: Dikit-dikit, Lagkit-lagkit.'

Sina young Kapuso stars Sofia Pablo at Allen Ansay ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Gaganap sila bilang magkaribal na kakanin vendors sa "Dikit-dikit, Lagkit-lagkit."


Si Sofia ay si Heidi na kamakailan ay nagsimulang gumawa at magbenta ng mga kakanina bilang bago niyang home business.

Gaganap naman si Allen bilang Mik-mik, bagong lipat na kapitbahay na ganito rin ang raket.

Magiging magkakumpitensiya sila sa mga customers at sa patalbugan ng recipes.

Sa pagitan ng mga kakanin nina Heidi at Mik-mik, alin kaya ang magiging mas mabenta?

SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:



Huwag palampasin ang bagong episode na "Dikit-dikit, Lagkit-lagkit," July 6, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.