GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
Source: itsmeallenansay (IG)
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, masaya sa pagrampa nila sa 'Bench Body of Work'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 25, 2025 5:29 PM PHT
Updated March 25, 2025 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Pag-amin ni Sofia, kung hindi siya artista ay baka ramp model ang kanyang ginagawa ngayon.

Masaya sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa naging karanasan nila sa Bench Body of Work na ginanap noong Biyernes, March 21, sa Mall of Asia Area sa Pasay City.

Sa panayam ng GMANetwork.com pagkatapos ng fashion show, hindi maitago nina Sofia at Allen ang sayang naramdaman nila.

Saad ni Sofia, "Ang saya kasi iba pala 'yung feeling kapag sa MOA Arena ka rumampa, so it's very surreal experience."

Dagdag ni Allen, "Napakasarap sa feeling and talagang until now, hindi pa rin ako makapaniwala kasi ito 'yung pinapangarap ng lahat na makapaglakad sa napakalaking event na 'to. Mapabilang dito, talagang nakaka-overwhelm.

"Sobrang saya namin ni Sofie na 'yung preparation namin, talagang hindi kami kumain, talagang pinaghandaan namin para lang sa gabing ito."

Pag-amin ni Sofia, kung hindi siya artista ay baka ramp model ang kanyang ginagawa ngayon.

"I feel like isa 'to sa go-to work ko kapag hindi na ako nag-artista, kumbaga isa 'yun sa feeling ko na pwede ko maging sideline, or kung hindi ako naging artista, 'yun 'yung magiging work ko, yung pagiging ramp model," pag-amin niya.

"Na-e-enjoy ko kasi siya, e, so masaya ako."

A post shared by BENCH/ lifestyle + clothing (@benchtm)

Kasalukuyang napapanood sina Sofia at Allen sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail na umeere tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG KAPUSO CELEBRITIES NA RUMAMPA SA BENCH BODY OF WORK DITO: