GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, may pinaghahandaang 'something big'

By Kristine Kang
Published August 27, 2025 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Abangan din ang upcoming movie ng Team Jolly, soon!

Mula sa GMA Gala 2025 hanggang sa kanilang sweet bondings, patuloy na kinikilig ang fans sa masasayang moments nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kamakailan lang, nagsama muli ang dalawa sa isang espesyal na proyekto, ang Ganito Tayo, Kapuso short films.

Spotted ang Team Jolly sa exclusive premiere nito noong August 7 para suportahan ang pelikula, lalo na ang The Job Interbrew na pinagbidahan ni Allen.

Maliban sa pinanood nila ito nang magkasama, may espesyal din silang handog sa mismong pelikula na tiyak na ikakakilig ng kanilang fans.

Sa panayam kasama ang GMANetwork.com, ibinunyag nina Sofia at Allen na marami pa raw dapat abangan ang supporters nila. Isa na rito ang kaabang-abang nilang upcoming film project.

"May movie," teased ni Sofia. "And may pinaghahandaang something big so sana suportahan n'yo po kami."

Dagdag naman ni Allen, "Abangan n'yo po 'yan. Hindi pa puwede sabihin pero kami, sobrang na-excite kaming malaman n'yo. So abangan n'yo po 'yan."

Samantala, mapapanood na ang Ganito Tayo, Kapuso short films, kabilang ang The Job Interbrew, sa official social media pages ng GMA Network, GMA News, at Brand Talk.

Abangan din ito sa GMA Pinoy TV (September 6) at GMA Life TV (October 11).

Silipin dito ang sweet photos nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa gallery na ito: