What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, may spooky moments sa taping ng 'Huwag Kang Titingin'

By Kristine Kang
Published October 31, 2025 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Alamin ang chilling experience nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa set ng 'Huwag Kang Titingin,' dito:

Dumating na ang season ng katatakutan at kababalaghan ngayong inaabangang Halloween celebration!

Ngunit tila sina Sofia Pablo at Allen Ansay ay mas naunang makaranas ng horror feels ngayong taon.

Sa isang panayam ng GMA Integrated News, ibinahagi ng Kapuso stars ang kanilang nakakakilabot na taping experience para sa upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.

Bukod sa ancestral house set, nag-shoot din ang cast sa isang sementeryo tuwing hatinggabi o madaling araw.

Ibinahagi ni Sofia ang isang hindi malilimutang karanasan sa kanyang 4 a.m. shoot.

"'Yung isang scene ko, nahagip sa likod na there were two people standing. But there was no one there talaga like nandoon sila ta's umatras pa," kwento ng aktres.

May katulad ding eerie experience si Allen na ikinabahala ng buong team.

"May nahagip na parang shadow (sa background) e wala naman tao. Kapag nag-taping ka wala naman tao sa likod mo dapat," ani Allen.

Dahil sa mga ganitong spooky moments, aminado ang Kapuso stars na hindi nila maiwasang kabahan habang nasa set.

"Malabo 'yung mata ko. So in a way, natatakot ako na baka 'yung nakikita kong gumagalaw, hindi 'yung tao," sabi ni Sofia.

Dagdag ni Allen,"Madami kasi tayong wide shot. So kami lang 'yung nandoon, malayo 'yung kamera, takbo kami ng takbo doon."

Bago pa man pumasok sina Sofia Pablo at Marco Masa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, natapos nila ang taping ng pelikula sa loob lamang ng 11 days.

Kasama rin sa cast sina Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Charlie Fleming, Kira Balinger, Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at marami pang iba.

Abangan ang chilling horror experience ng Huwag Kang Titingin, sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Ays De Guzman

Samantala, basahin ang iba pang horror experience ng celebrities sa gallery na ito: