GMA Logo sofia pablo and allen ansay
Source: @sofiapablo, @itsmeallenansay IG
What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, muling bibida sa bagong Kapuso serye

By Kristine Kang
Published March 20, 2024 12:04 PM PHT
Updated March 20, 2024 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

sofia pablo and allen ansay


Alamin ang mga magiging karakter nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa upcoming Kapuso series dito:

Pinakikilig tayo ng Kapuso love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa mga palabas sa GMA tulad ng Open 24/7 at ang kanilang Sparkle Kilig Series na Mystery Girl kamakailan.

Sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinunyag ng Sparkle stars na may bago silang serye kung saan pagbibidahan muli nila bilang love team.

Kuwento ni Sofia, tapos na ang kanilang audition para sa mga karakter sa programa at magsisimula na silang mag-taping ngayong tag-init.

Sinabi rin ni Allen tungkol sa kaniyang karakter, "Iba na naman po, Tito Lhar. Ako na naman ang mayaman sa aming grupo. Kaya kailangan ko na naman maging mas galante sa aking pag-uugali, iba na naman."

Bukod dito, todo rin ang preparasyon ng Kapuso love team para sa kanilang special performances sa Sunday noontime show na All Out Sunday.

Dahil OPM Festival na sa nasabing programa, maraming bagong performances ang dapat abangan sa mga susunod na linggo.

Inilarawan nga ng aktres na "everything is new" sa kanilang mga paghahanda, na tila nasasorpresa rin sila sa mga pangyayari.

Para naman kay Allen, itinuring niya itong pagkakataon para ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang mga fans.

"Talagang lahat- lahat ng prod, lahat ng mga kumbaga yung nakasanayan namin na bago laha, parang giveway. Then, sa mga manonood na mas ibigay pa namin yung buong makakaya namin," sabi ng aktor.

ALAMIN ANG ESTADO NG RELASYON NINA SOFIA AT ALLEN DITO:

Kasabay ng kanilang pagiging abala sa kanilang career, hands-on din ang paghahanda ni Sofia para sa kaniyang papalapit na debut.

Kamakailan lang, nagkaroon ng pre-debut pictorial ang aktres sa Taiwan na may temang Hawaiian Tropical Paradise.

Pagbabahagi pa niya, "Ang saya lang po kasi, hindi ko in-e-expect na ang lamig po pala. Para siyang Japan. E, ang theme po ng pre debut ko is tropical Hawaian. Isipin niyo po naka-Hawaian ako sa Japan weather."

Nang tanungin si Allen kung mayroon na ba siyang regalo para kay Sofia, ang kaniyang sagot, "Meron na po pero secret pa rin iyon. Napaka special po nito galing from my heart."