What's Hot

Sofia Pablo at Allen Ansay, nami-miss ang isa't isa

By Kristine Kang
Published January 7, 2026 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ash emissions on Mt. Kanlaon span 6 hours long
Erice, De Lima seek TRO vs. unprogrammed appropriations in 2026 budget
End of a Culinary Era: The Loggia by the late Margarita Forés says goodbye

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Marami raw gustong itanong ni Allen Ansay kay Anton Vinzon tungkol kay Sofia Pablo!

Masayang sinalubong ng Sparkle GMA Artist Center ang recently evicted housemate na si Anton Vinzon.

Hindi lang Sparkle officials at team ang dumalo sa pagsalubong, kundi pati na rin ang ilang Sparkle stars gaya ni Allen Ansay.

Sa isang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ni Allen na hindi lang simpleng pagbati sa outside world ang nais niya para kay Anton.

Inamin ng Sparkle actor na gusto rin niyang kumustahin ang kanyang ka-love team na si Sofia Pablo, na kasalukuyang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

"Actually, marami akong itatanong sa kanya. Kung kumusta na si Sofi? Kung ano nangyari sa loob?... Nami-miss ko siya araw-araw," pahayag ni Allen.

Ayon naman kay Anton, marami siyang baong kuwento tungkol sa Sparkle actress. Isa na rito ang labis na pagmi-miss umano ni Sofia sa kanyang other half sa Team Jolly.

"Madami po, 'di ko na mabilang," ani Anton. "Parang nami-miss niya talaga, e. Pinapasabi niya na 'Ano ba 'yan. Sana okay lang si Allen.' Umiiyak siya."

Lumabas ng PBB house sina Anton at Kapamilya housemate Rave Victoria noong January 3. Gayunman, may tsansa silang makabalik sa bahay kasama ang iba pang dating housemates dahil sa gaganaping wildcard voting.

Samantala, patuloy na nananatili sa Bahay ni Kuya si Sofia Pablo, habang full support naman sa kanya si Allen Ansay sa outside world.

Mapapanood din ngayong taon ang kanilang upcoming horror film na Huwag Kang Titingin, kasama sina Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Kira Balinger, Shuvee Etrata, Charlie Fleming, Anthony Constantino, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang kaabang-abang na moments sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream weekdays, 9:40 p.m., at Sabado at Linggo, 6:15 p.m.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.

Balikan ang sweetest photos ng Team Jolly sa gallery na ito: