
Aminado ang mga bida ng GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, sina Sofia Pablo at Allen Ansay, na ramdam nila ang pagkawala ng co-star nilang si Will Ashley.
Isa kasi si Will sa mga housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
"Ramdam namin lalo kasi magkaka-same tent kami -- ako, si Aki, si Radson [Flores], tsaka si Will. So, ramdam namin na may nawala," pag-amin ni Sofia sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag ni Allen, "Actually, every time na magti-TikTok kami, may aayain kami, wala si Will, ramdam na ramdam namin."
Buong-puso namang suportado nina Sofia at Allen si Will sa desisyon niyang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya.
Saad ni Allen, "Naging mahirap din 'yung desisyon ni Will dito kasi, since nandito po siya, nag-i-start pa lang 'yung kuwento, tapos bigla siyang pumasok sa bahay ni Kuya. So nag-aalala lang siya paano kung maalis agad siya ganon."
Dagdag ni Sofia, "Personal-wise, dalawa lang kasi sila ng mom siya. So, 'yung parang sacrifice na mag-PBB. Pero ngayon, sobrang proud kami, nakikita na ng tao 'yung totoong Will."
Pagtatapos ni Allen, "Lumalabas na kung sino talaga si Will."
Panoorin ang buong panayam ni Lhar Santiago DITO:
Mapapanood sina Sofia at Allen sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.