
Magpapakilig ngayong Linggo (October 9) ang lead stars ng upcoming series na Luv Is: Caught in his Arms na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa The Boobay and Tekla Show.
Sasabak ang Sparkle sweethearts sa “The Love Quiz,” kung saan sila ay malalagay sa hot seat at sasagutin ang ilang katanungan tungkol sa love at relationship.
Special guest din ngayong Sunday si Kapuso star Rocco Nacino at makikisaya siya sa “Birit Showdown,” kung saan aawitin ng aktor at ng TBATS cast ang isa sa mga hit track ni JK Labajo.
Mas magiging intense naman ang labanan dahil mapapanood dito ang resident biriteras ng show na sina The Clash alumni Jennie Gabriel at Jessica Villarubin.
Bukod dito, sasagutin ni Rocco ang iba't ibang trivia questions tungkol sa parenting sa special segment na “The First Time Dad Quiz.”
Tiyak na magiging masaya ang Sunday n'yo dahil sa Mema Squad na sina Jennie, Jessica, Buboy Villar, John Vic De Guzman, Ian Red, at Pepita Curtis.
Huwag palampasin ang kilig episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 9) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NG TEAM JOLLY SA GALLERY NA ITO.