
Pasabog ang huling linggo ng “More Tawa, More Saya, More Love” episodes ng Family Feud.
Ngayong Lunes, February 23, maghaharap ang dalawang rising stars mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 sa Family Feud.
Maglalaro sa Team Sofia ang “Strong-Willed Sunshine ng Quezon City” na si Sofia Pablo. Makakasama niya ang kaibigang si Vien Galura, celebrity hairstylist na si Mark Rosales, at ang pinsang si John Carlo Pablo.
Bibida naman sa Team Eliza ang “Determinadong Dilag ng Cavite” na si Eliza Borromeo. Makakasama niya sa Family Feud stage ang kanyang mga pinsan na sina Kurt Singh at JP Miranda, kasama ang kanyang manager-discoverer at veteran comedian na si Eric Nicolas.
Abangan ang kulitan at non-stop na saya sa Family Feud ngayong February 23, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!