GMA Logo Sofia Pablo, Caprice Cayetano
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA
What's Hot

Sofia Pablo, Caprice Cayetano, lumalim ang friendship dahil sa PBB 2.0

By EJ Chua
Published February 5, 2026 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basyang maintains strength, now over Agusan Del Norte
Kapuso Bloodletting Day, Ipahigayon karong Biyernes, February 6, 2026 | Balitang Bisdak
BTS unveils a new version of their light stick

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Caprice Cayetano


Sofia Pablo, mas naging close kay Caprice Cayetano sa loob ng Bahay Ni Kuya

Sina Sofia Pablo at Caprice Cayetano ang ilan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na talaga namang malapit ang loob sa isa't isa.

*Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa naging panayam ng GMANetwork.com sa ex-housemate, inilarawan niya ang friendship nila ni Caprice na mas lumalim umano sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Unang ibinahagi ni Sofia na bata pa lang ay close na silang dalawa.

Pagbabahagi niya, “Yung friendship po namin ni Caprice [Cayetano] nagstart po kasi 'yun bata pa kami. Like, mga 9 and 7… nanonood kami ng movies, kumakain kami sa resto nila [Japanese restaurant]. Simula bata super close na talaga namin…”

“Then, nagulat ako nung nakita ko siya inside the house ang saya ko kasi… yes may kaclose ako,” dagdag niya.

Ayon pa kay Sofia, mas naging malapit talaga sila sa isa't isa sa loob ng iconic house, “Naging closer kami ni Caprice nung narealize namin na kami 'yung same vibes sa house na tahimik lang. May times kasi na demure ako tapos pupuntahan ko kaagad si Caprice.”

“Si Caprice, sobrang sweet girl niya talaga, talagang Demure Daughter ng Quezon City,” paglalarawan niya sa kanyang fellow Sparkle star.

Ikinuwento rin ni Sofia na pareho silang naging mahilig sa isang snack sa loob ng Bahay Ni Kuya at doon na nagsimula ang kanilang cute na call signs.

Samantala, huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.