
Naging emosyonal si Anton Vinzon matapos niyang mabigo sa challenge na daan sana upang makabalik siya bilang official housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Kasunod ng anunsyo ni Kuya na si Marco Masa ang nagwagi sa comeback challenge, tila hindi na napigilan ni Anton ang pagtulo ng kanyang luha.
Ramdam ang saya niya para sa kanyang fellow Kapuso star na si Marco ngunit labis niyang ikinalungkot ang pagtatapos ng kanyang journey bilang isang housemate.
Bago lumabas sa Bahay Ni Kuya, si Sofia Pablo ang napili ng ibang housemates na makalapit kay Anton.
Mabilis na pinuntahan ni Sofia si Anton sa living room ng iconic house at kinamusta niya agad ang kanyang malapit na kaibigan.
Sabi ni Anton kay Sofia, “Sorry. Natalo ako. Ayoko talagang mag-give up, bro.”
Niyakap at ipinaramdam naman sa kanyang ng huli ang comfort ng isang kaibigan at nagpalitan pa sila ng encouraging lines at messages na ginawa nila sa loob lang ng 100 seconds na ipinagkaloob ni Kuya.
Pahabol ni Anton kay Sofia, “Ikaw, huwag kang mag-give up ha?”
“Ilalaban kita ha?' sabi naman ni Sofia kay Anton.
Samantala, bukod kay Anton, balik outside world na rin ang Kapamilya ex-housemate na si Rave Victoria, ang nakalaban ni Eliza Borromeo sa parehas na challenge na pinaglabanan ng una at ni Marco Masa.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.