GMA Logo Sofia Pablo PBB journey
Source: sofiapablo/IG
What's Hot

Sofia Pablo, handog sa ina at kay Allen Ansay ang kaniyang PBB journey

By Kristian Eric Javier
Published December 22, 2025 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop shot dead while attending wake in Iligan
Speaker Dy says proposed 2026 budget has ‘no insertions’
Check out these Christmas treats

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo PBB journey


Sofia Pablo tungkol kay Allen Ansay: Kapag may Allen, may Sofia. Kapag may Sofia, may Allen

Ipinahiwatig ni Kapuso star Sofia Pablo ang pagpapahalaga niya sa ina na si Rima, at sa ka-love team na si Allen Ansay sa Thursday episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa December 18 episode ng teleserye ng totoong buhay, ikinuwento ng housemates ang mga taong importante sa buhay nila na gusto nilang regaluhan ngayong Pasko, at ang napili ni Sofia ay si Allen.

Kuwento ni Sofia, nagkaroon ng pagkakataon na nawala ang lahat ng kaibigan niya sa isang iglap. Ngunit sa parehong linggo na nawala ang mga ito sa kaniya ay siyang dating ni Allen sa kaniyang buhay.

“Within the same week, dumating si Allen sa buhay ko. Parang naniniwala ako na nagsilbi siyang message from God na kahit may mga bagay na nawawala sa 'yo, may mas magandang bagay na kapalit nun and everything happens for a reason,” sabi ni Sofia.

Sabi pa ng aktres, sa anim na taong magkakilala sila ng Sparkle actor ay hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kaniya, at araw-araw umano pinaparamdam ni Allen kung gaano siya kaespesyal. Sa katunayan, pumupunta pa ang aktor sa bahay nila noon araw-araw para lang tulungan siya sa kaniyang pet dogs.

Sa loob ng confession room, ibinahagi rin ni Sofia kung gaano ka-selfless si Allen pagdating sa kaniya, at kung papaano siya inaalagaan ng aktor tuwing nasa taping.

“And alam ng tao sa labas na kapag may Allen, may Sofia. Kapag may Sofia, may Allen,” sabi ni Sofia.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG KILIG NA HATID NINA SOFIA AT ALLEN SA GALLERY NA ITO:


Pag-amin pa ng aktres, si Allen din ang dahilan kung bakit nagbago ang desisyon niya na maging parte ng PBB.

“Kapag may mga bagay po ako na alam ko na dapat ko pang i-improve, siya po 'yung tao na tutulungan po ako para po gawin 'yun,” sabi niya kay Kuya sa confession room.

“Siya 'yung tao na nagpa-realize sa 'kin na bakit ka matatakot kung alam mo na mabuti 'yung puso mo,” emosyonal na pagbabahagi ni Sofia.

Sa huli, inialay niya ang PBB journey niya sa kaniyang ina at kay Allen, at sinabing para sa kanila ang laban na ginagawa niya sa loob ng bahay.

“Naniniwala ako na wala ako talaga dito kung wala si Allen sa buhay ko,” sabi ni Sofia.

Sundan ang kwento nina Sofia at ng iba pang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 gabi-gabi, 9:40pm, tuwing Sabado ng 6:15 p.m., at Linggo ng 10:05 p.m.