
Kasalukuyan pang naga-adjust sa outside world ang latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Sofia Pablo at Eliza Borromeo.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kina Sofia at Eliza, pinangalanan nila ang housemates na miss na miss na nila.
Pahayag ng Kapuso ex-housemate, “Two Kapuso na namimiss ko, si Ashley [Sarmiento] and si Caprice [Cayetano].
“Sa Kapamilya, sina Lella [Ford] and Joaquin [Arce]. Sila 'yung core ko inside the house, lagi kaming magkakasama… At saka si Tala [Krystal Mejes] rin… lahat sila,” dagdag ni Sofia.
Ayon naman kay Eliza, apat na housemates ang namimiss na niya na naging malapit sa kanya sa loob ng iconic house ni Kuya.
“Ako po ang pinakanamimiss ko po talaga ay sina Krystal [Mejes], Carmelle [Collado], Caprice [Cayetano] at si Moy po, si Heath [Jornales].”
RELATED CONTENT: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Si Sofia ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City habang si Eliza naman ay tinawag ni Kuya na Determinadong Dilag ng Cavite.
Samantala, huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream