GMA Logo Sofia and Rima Pablo
Source: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
What's Hot

Sofia Pablo, emosyonal sa Christmas surprise ng ina at ni Allen Ansay

By Kristian Eric Javier
Published December 18, 2025 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia and Rima Pablo


Hindi napigilan maiyak ni Sofia Pablo nang makita ang kanyang ina.

Naging emosyonal ang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City na si Sofia Pablo sa paggawa ng kanilang pinakabagong weekly task sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Isang Christmas surprise kasi ang natanggap niya mula sa kanyang ina, at ka-love team na si Allen Ansay.

Ngayong linggo ay naatasan ang Kabataang Pinoy na mangaroling kung saan ilang mga Kapuso at Kapamilya ang bumisita sa labas ng Bahay ni Kuya para mag-request ng Christmas songs na aawitin ng housemates.

Ilan sa mga nag-request ng kanta ang ang recent evictees mula sa Bahay ni Kuya na sina Lee Victor at Iñigo Jose, kasama ang kanilang mga ina.

Kita ang saya ng housemates sa sunod-sunod na requests na natatanggap nila ngunit ang hindi nila alam, ang susunod na matatanggap nila ay mula sa taong pamilyar kay Sofia; ang ina niya na si Rima, kasama ang tita niya at ang kapwa Kapuso actor na si Allen.

“Nagulat po ako, Kuya, mga mahahalagang tao po sa buhay ko, Kuya. Mommy ko po, si Allen, si Tita Rain,” pag-amin ng aktres sa confession room.

Matatandaan na noong bumisita ang houseguests na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, naging emosyonal si Sofia nang maalala ang ina. Pagbabahagi ng aktres, 18 Pasko na ang dumaan na silang dalawa lang ang magkasama. Kaya naman ngayon na nasa loob siya ng Bahay ni Kuya, hindi niya umano alam kung saan magpapasko ang ina.

ALAMIN ANG CHRISTMAS PLANS NG ILAN SA MGA KAPUSO CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi pa ni Sofia, naging emosyonal din siya dahil hindi man niya nakita ang ina, naramadaman naman daw niya na pinapanood siya ng mga ito.

Lalo pang naiyak ang Kapuso star dahil sa lyrics ng kanta, “'Yung lyrics po Kuya, tagos po kasi talaga sa puso, lalo na po 'yung 'Kahit na malayo man ako, sa puso ko'y andiyan pa rin kayo.' Sila po talaga 'yung iniisip ko kada kinakanta ko po 'yung original songs po namin.”

“'Yung feeling po Kuya na kinakanta ko po 'yun at that moment para sa kanila sa labas, sobrang naiiyak po talaga ako,” pagpapatuloy ni Sofia.

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Sofia para sa kaniyang ina at maging kay Allen, “Mommy, I miss you, Merry Christmas. Aki, I miss you and always know na iniisip kita everyday. Merry Christmas.”