
May recent bonding moment ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ex-housemates na sina Sofia Pablo (Sparkle) at Eliza Borromeo (Star Magic).
binahagi ni Sofia sa kanyang Instagram account ang ilang photos, kung saan makikitang kasama niya si Eliza sa isang fun day out.
“Duo's day out @elizaborromeo_ [heart emoji],” sulat ng Sparkle star sa caption ng post.
Mababasa sa comments section ang sweet message ni Eliza para kay Sofia, kung saan sinabi niyang miss na kaagad niya ang kanyang duo, “Miss u agad.”
Matatandaang magkasabay na lumabas sina Sofia Pablo at Eliza Borromeo sa Bahay Ni Kuya matapos ang sixth eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa previous exclusive interview ng GMANetwork.com kina Sofia at Eliza, inilarawan ng huli ang una bilang naging ate niya sa loob ng iconic house ni Big Brother.
Nakilala si Sofia sa latest edition ng teleserye ng totoong buhay bilang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City habang si Eliza naman ay tinawag ni Kuya na Determinadong Dilag ng Cavite.
RELATED GALLERY: Sofia Pablo's beautiful transformation from child star to next gen leading lady