GMA Logo Sofia Pablo mermaid
What's on TV

Sofia Pablo, hand-picked para bumida sa 'Regal Studio Presents: Raya Sirena'

By Marah Ruiz
Published September 15, 2021 5:34 PM PHT
Updated December 23, 2021 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo mermaid


Napili si Sofia Pablo para sa lead role ng 'Regal Studio Presents: Raya Sirena' dahil sa galing niya sa mermaid swimming.

Si Kapuso actress Sofia Pablo ang bibida sa upcoming special ng Regal Studio Presents this week.

Tampok siya sa isang cute mermaid story na pinamagatang "Raya Sirena."

Gaganap si Sofia bilang Raya, isang spoiled brat na magiging sirena dahil sa isang sumpa.


Ayon kay Regal Entertainment COO and Vice President Roselle Monteverde, confident daw siyang magugustuhan ng mga manonood ang kuwento ng episode.

"I treat every episode as a challenge. Gusto ko sana, bawat episode is bago. 'Yung mga Pinoy, mahilig sa mga kuwentong sirena. Isa na 'ko doon, mahilig ako sa kuwentong sirena," pahayag niya.

Bukod dito, "perfect" daw si Sofia para sa role.

"Na-inspire ako lalo when I saw Sofia's video. She did those swimming as a mermaid. Tuwang tuwa ako doon kaya sabi ko perfect i-cast si Sofia, perfect for this role," paliwanag niya.

Sang-ayon naman dito si Easy Ferrer na nagsilbing director ng episode.

"May dagat din kasi. May pool tapos may dagat. Nakita ko naman si Sofia na napakagaling mag-maneuver sa ilalim ng dagat. Confident na 'ko doon," lahad ni Direk Easy.

Maaasahan daw ng viewers ang ilang underwater swimming scenes ni Sofia habang may mermaid tail.

"'Yun ang magdalala. Actually ang unique selling point ng episode is 'yung makita talaga natin si Sofia na lumalangoy," aniya.

Narito ang video ni Sofia na nakatulong sa kanya na makuha ang lead role sa "Raya Sirena."

Isang post na ibinahagi ni Sofia Pablo (@sofiapablo)

Ang "Raya Sirena" ang pangalawang episode ng Regal Studio Presents. Due to insistent public demand, muli itong mapapanood ngayong December 26, 4:35 pm sa GMA.