GMA Logo sofia pablo
Courtesy: sofiapablo IG
What's Hot

Sofia Pablo, happy sa outside world?

By EJ Chua
Published February 3, 2026 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SILG Remulla: Car dealer, partner behind deaths of policewoman, son
Respondents in Ungka Flyover case await Ombud ruling
Here are the winners of the 2026 Grammy Awards

Article Inside Page


Showbiz News

sofia pablo


Kumusta kaya ngayon ang latest 'PBB 2.0' Kapuso evictee na si Sofia Pablo?

Live na nakipag-bonding sa Unang Hirit Barkada ang latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Sofia Pablo at Eliza Borromeo.

Sa kuwentuhan kasama sina Lyn Ching at Shaira Diaz, kinumusta nila sila Sofia at Eliza ngayong nasa outside world na sila.

Dito ay excited na sinabi ng Kapuso ex-housemate na masayang-masaya siya ngayon.

“Yes, super [happy ako here].”

Kasunod nito, inilahad niyang masaya siya na kasama na niya ulit ang mga taong mahalaga sa kanya na hindi niya nakita sa loob ng tatlong buwan.

Pinangalanan din ni Sofia kung sino ang mga na-miss niya sa outside world.

Ayon sa kanya, “Mga na-miss ko sa outside world], siyempre po, si Mommy, si Daddy.”

Binanggit din niya ang pangalan ni Allen Ansay, “Ahmmm, si ano po, si Allen [Ansay] po.”

Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Bukod sa pakikipagkuwentuhan, game na game na pinagluto ni Sofia ang UH Barkada habang kasama niya si Eliza.

Balikan dito ang pagbisita nina Sofia at Eliza sa Unang Hirit:

Samantala, huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood dito: www.gmanetwork.com/pbblivestream