GMA Logo Sofia Pablo
What's Hot

Sofia Pablo, hinangaan ang pagiging 'ate' sa loob ng Bahay ni Kuya

By Karen Juliane Crucillo
Published November 4, 2025 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards preparing for upcoming medical drama series ‘Code Gray’
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


Kinagiliwan ng viewers ang pagiging 'ate' ni Sofia Pablo sa kapwa niya housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Bilang isa sa mga nakatatanda sa loob ng Bahay ni Kuya, ipinamalas ni Sofia Pablo ang pagiging responsable at maasahang housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa mga nakaraang episodes ng reality show, nasaksihan ng viewers ang kasipagan ni Sofia sa mga gawaing bahay at ang pagiging maalaga niya sa ibang housemates.

Umani ng papuri ang Sparkle artist sa pangunguna sa pagluluto sa loob ng Bahay ni Kuya. Mas lalo namang kinagiliwan si Sofia ng netizens matapos nitong sawayin si Lee Victor, na tila “nago-overstep” sa pagplano ng kanilang strategy para sa weekly task.

Narito ang reaksyon ng netizens kay Sofia sa loob ng Bahay ni Kuya:

Si Sofia ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City.

Huwag magpahuli sa mga kaganapan sa loob ng Bahay ni Kuya. Panoorin ang PBB All-Access Livestream dito.

RELATED GALLERY: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'